IN PHOTOS: Celebrities na pumayag na mailagay sa kabaong

GMA Network - Oct 10, 2026

Marami nang Kapuso series at pelikula ang nagdala ng matinding emosyon sa mga manonood dahil sa mga eksena tungkol sa pagkamatay ng isang karakter. Iba't iba ang naging karanasan ng mga artista na gumawa ng ganitong klaseng eksena kung saan sila ay nilagay sa loob ng kabaong. Isa na rito si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na gumanap bilang Jenny sa 2010 GMA series na 'Endless Love.' Ayon kay Marian, memorable ang seryeng ito dahil ito ang unang beses na pumayag siyang mailagay sa kabaong. “Parang ang dami kong luhang naiiyak d'yan at hindi ko makakalimutan 'yan kasi kung 'di ako nagkakamali, ito 'yung first time ko na pumayag sa isang soap opera na ilagay sa kabaong kasi namatay ako d'yan,” pag-alala ni Marian tungkol sa eksena. Kabilang din sa mga sikat na nakagawa ng similar na eksena ay sina Ryan Eigenmann, Paolo Ballesteros, Klea Pineda, Maine Mendoza, Martin del Rosario, Antonio Aquitania, at iba pa. Silipin ang ilang celebrities na pumayag na mailagay sa loob ng kabaong sa gallery na ito.

Read full article

More News

Dating trabaho ng celebrities bago sila nakilala

Oct 10, 2026

Dating trabaho ng celebrities bago sila nakilala

Ang mga artista ay kadalasan hinahangaan sa kanilang taglay na talento sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw o pag-host ng programa. Hindi rin maitatanggi na ang ganda ng kanilang mukha o katawan ay isa rin sa hinahangaan ng kanilang mga fans o followers. Ngunit, hindi lang iyan ang nagugustuhan ng kanilang mga taga-hanga. Kapansin-pansin din ang taglay na kasipagan at pagiging madiskarte ng ilang sikat na personalidad. May ilang artista na nagmula na sa mga angkan ng mga aktor o mang-aawit, at naging mas madali para sa kanila ang pasukin ang showbiz. Samantala, may ilang din na marami munang pinagdaanang pagsubok bago narating ang tinatamasa nilang kasikatan at tagumpay sa kanilang karera. Noon, ang madalas maging daan o “stepping-stone” para maging artista ay ang pagiging “talent” o “extra.” Sa katunayan, maraming artista ang nagdaan muna sa pagiging “extra” o 'yung pagkakaroon ng mga malilit na role sa TV o pelikula. At mula dito ay unti-unti nilang hinubog ang kanilang talento at unti-unti rin silang nakilala ng kanilang mga taga-hanga. Ang ilan naman ay nagsisimula muna bilang makeup artist, production assistant, writer, floor director, utility at iba pang trabaho sa likod ng camera. Mayroon din ibang artista na bago sumabak sa showbiz ay nasubukan na rin pumasok sa trabaho na malayo sa mundo na kasalukuyan nilang ginagalawan. Ang ilan sa kanila ay naransan na rin magtrabaho bilang barker ng jeep, janitor, construction worker, waiter, vendor at marami pang iba. Nanggaling man sa hirap ang iba sa kanila at kinailangan pasukin ang iba't ibang trabaho, nagbunga naman kinalaunan ang kanilang sipag at tiyaga at nakamit ang kanilang swerte o "lucky break" sa showbiz. At kahit na sila'y sikat na ngayon at maaaring nakakaangat na sa buhay, hindi nila kinakalimutan ang kanilang pinagmulan. Alamin at gawing inspirasyon ang mga naging dating trabaho ng mga artista bago sila sumikat sa gallery na ito.