Anonymouse: Drama actress, nahuling nagbe-breakdown habang naglilinis ng banyo at aircon!

GMA Network - Oct 13, 2026

Sikat na aktres, nahuling nagbe-breakdown habang naglilinis ng CR?

Read full article

More News

Nikko Natividad reveals wife suffered miscarriage in Singapore

Oct 13, 2026

Nikko Natividad reveals wife suffered miscarriage in Singapore

Isang heartbreaking news ang ibinahagi ni Nikko Natividad tungkol sa pinagdadaanan ngayon ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang asawa na si Cielo Eusebio. Sa kanyang latest post sa social media, ini-reveal ni Nikko Natividad na nakaranas ng miscarriage ang kanyang asawa habang sila ay nagbabakasyon sa Singapore. Ayon pa sa actor-dancer, hindi nila alam na nagdadalang-tao si Cielo. “Pumunta kami ng Singapore para mag-celebrate ng birthday ni misis. Sinugod siya sa ER [emergency room]. Hindi namin alam na 6 weeks na pala siyang pregnant. Wala kaming choice kung di pa-operahan siya agad agad dito sa SG kasi delikado raw at ectopic pregnancy siya,” sulat niya sa caption. Ibinahagi rin ni Nikko ang lungkot na nararamdaman niya tungkol sa nangyari. Humihiling siya ngayon ng panalangin para sa kaligtasan at maayos na kondisyon ng kanyang asawa. Sabi niya, “Nakakalungkot dahil siyempre nawalan kami ng anak pero ang dasal ko ngayon, maging ok si wife. Six hours na hindi pa rin siya lumalabas sa operating room. Sa mga kaibigan, pamilya namin, we need your prayers.” Sila Nikko Natividad at kanyang non-showbiz partner na si Cielo Eusebio ay mayroong dalawang anak, sina Aiden at Aiz. Kilala si Nikko bilang isa sa talents ng 'It's Showtime,' isang dancer, at ngayon ay abala siya sa kanyang food business kung saan katuwang niya ang kanyang asawa. RELATED CONTENT: Celebrities who have opened up about miscarriage