Bianca Umali, masayang makatrabaho sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa 'Always Yours, Never Mine'

GMA Network - Sep 23, 2026

Si Kapuso Primetime Gem Bianca Umali ang pinakabagong Kapuso star na makaka-collaborate ng Kapamilya actors na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa upcoming film nila na 'Always Yours, Never Mine.' Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Martes, September 22, ipinahayag ni Bianca kung gaano siya kasaya maging bahagi ng bagong collaboration project na ito. Ang unang naisip ng aktres na malamang makakasama niya sa naturang pelikula ay sina Joshua at Julia, “Unang-una, Tito Boy, is that finally, there's no wall between the two different networks. It is really good for actors because there was a time before where parang imposible siyang mangyari that we get to work with people from different networks and different managements.” Dahil ito ang unang collaborative project ni Bianca, ibinahagi ng aktres kung kumusta katrabaho sina Joshua at Julia sa gallery na ito:

Read full article

More News