Ilang taon na ang nakakaraan nang unang ma-diagnose si Kris Aquino ng lupus, isang chronic autoimmune disease na walang permanenteng lunas. Kalaunan, nadiskubre niyang hindi lang pala isang autoimmune disease niya kaya kinailangan niyang lumipad papuntang Amerika para sa treatment. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Miyerkules, October 28, inamin ni Kris na bumubuti na ang kaniyang pakiramdam kumpara noon na walang araw na may ginhawa siyang nararamdaman. “Can I clarify lang, just because I look okay, nakita nila na... there are good days, finally. When you visited us, there were no good days. But finally, ngayon, there are good days,” sabi ni Kris. Alamin kung kumusta na nga ba ang kondisyon ni Kris ngayon sa gallery na ito:
Read full articleOct 29, 2026