Usap-usapan ngayon ang pagpasok ng anak nina Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski na si Robbie Jaworski bilang isa sa housemates, na kinalauna'y inilantad bilang isang celebrity guest ng 'Pinoy Big Brother Collab 3.0.' Marami ang humanga sa pagiging disiplinado at magalang ng binata, na repleksyon umano ng pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Huwebes, Nobyembre 26, ibinahagi ni Mikee ang naging proseso bago nila pinayagan si Robbie na pumasok sa Bahay ni Kuya, ang paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak, at ang kaniyang mga payo tungkol sa pag-ibig at buhay. Alamin ang mga kuwento at aral mula kay Mikee Cojuangco-Jaworski sa gallery na ito:
Read full articleNov 27, 2026
Nov 27, 2026
Nov 27, 2026