RK Bagatsing, inspirasyon ang kuya Raymond sa pagpasok sa showbiz

GMA Network - Oct 23, 2026

Bilang nagmula sa pamilya ng mga aktor at pulitiko, may dalawang landas na maaaring tahakin si RK Bagatsing. Ngunit pinili ng 'Honor Thy Mother' star na maging aktor, at malaki umano ang naging impluwensya rito ng kaniyang kuya na si Raymond Bagatsing. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Huwebes, October 22, ibinahagi ni RK na na-inspire siya sa kaniyang kuya Raymond na pasukin ang entertainment industry bilang aktor. “When I was a kid, dinadala niya ako sa set ng mga teleserye niya and I always watched behind the camera and sobrang tuwang-tuwa ako sa nangyayari, sa chaos, and how scenes are being made, and eventually, sabi ko, 'Parang gusto kong gawin 'yan,'” sabi ni RK. Alamin ang buong kuwento ng pagsisimula ng karera ni RK sa showbiz sa gallery na ito:

Read full article

More News