Sancho, Sophia delas Alas, alam agad kapag may bagong dine-date si AiAi delas Alas

GMA Network - Nov 12, 2026

Masaya at grateful ang mga anak ni AiAi delas Alas na sina Sancho at Sophia dahil mas masaya na ang kanilang ina ngayon kumpara noong bagong hiwalay pa lamang ito sa dating asawa na si Gerald Sibayan. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Miyerkules, November 11, sinabi ni Sancho na mas masaya ay present si AiAi ngayon sa kanilang mga buhay. “Mas masaya siya, mas iba 'yung energy, mas malakas. Nandiyan naman siya palagi, Tito Boy. Pero parang ngayon, mas sobrang active niya sa buhay namin, especially ngayon na lola na siya, sobrang nandu'n siya palagi to take care of Mia,” sabi ni Sancho. Inilarawan naman siya ni Sophia ang kanikyang ina bilang “blooming.” Aniya, maaaring dahil ito sa HYROX, na isa sa mga nagbibigay ng saya ngayon kay AiAi. Ngunit ano nga ba ang reaksyon nina Sancho at Sophia pagdating sa love life ng kanilang ina? Alamin sa gallery na ito:

Read full article

More News