Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Miyerkules, October 21, binalikan ng King of Talk ang panahon na ang mga kababaihan ay inaasahang magpakasal sa edad na 22 hanggang 24. At kahit nagbago na ang edad na ito, para kina Sanya Lopez at Ashley Ortega, hindi dapat batayan ang edad kung kailan magpapakasal. Sabi ng 'Red Crown' stars, ang taong magpapakasal lang ang nakakaalam kung kailan siya handa. Hindi rin umano dapat nagpapa-pressure ang kababaihan sa edad o sa ibang tao tungkol sa pagpapakasal. Alamin ang buong pahayag nina Sanya at Ashley sa gallery na ito:
Read full article