Zanjoe Marudo reveals 2-year-old son Marcel Sabino

GMA Network - Sep 20, 2026

Fans recently caught a glimpse of Zanjoe Marudo and Ria Atayde's son, Marcel Sabino. On Instagram, the celebrity dad happily shared a peek at their now two-year-old child. The little boy was seen sitting in the passenger seat, smiling cutely as he looked out the window. " Entering… TERRIFIC TWOs ✌️" Zanjoe captioned. Fans quickly flooded the comments section with delight, including celebrities Eugene Domingo, DJ Chacha, Angelica Panganiban, and Iza Calzado. View this post on Instagram A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) Ria and Zanjoe tied the knot in a civil ceremony in March 2024, which also marked Ria's 32nd birthday. They announced their engagement just a month before their wedding. The couple celebrated another milestone with their fans when they welcomed their first child, Sabino, in September 2024. Meanwhile, take a look back at Zanjoe Marudo and Ria Atayde's wedding photos in this gallery:

Read full article

More News

Christopher de Leon sa hidwaan nina Lotlot at Ian: 'Ayokong makialam'

Sep 20, 2026

Christopher de Leon sa hidwaan nina Lotlot at Ian: 'Ayokong makialam'

Nagbigay na ng pahayag si Christopher de Leon tungkol sa pinag-uusapang alitan nina Ian de Leon at Lotlot de Leon. Sa isang panayam kay Ogie Diaz, nilinaw ni Christopher de Leon na nakausap na niya nang magkahiwalay ang kanyang mga anak. Gayunman, sinabi ng aktor na hindi niya pinipiling makialam pa sa kanilang isyu bilang respeto sa magkabilang panig, gayundin sa kanilang yumaong ina na si Superstar Nora Aunor. " Ayokong makialam because ang pinag-aawayan nila is the mom, the mother," ani ng aktor. "And pinag-aawayan nila is a sort of a foundation na it involves funding, whatever. 'Pag ganyan, ayoko nang makialam." READ: Lotlot de Leon, may buwelta kay Ian de Leon: 'Bakit puro kasinungalingan ang mga lumalabas sa bibig mo?' Dagdag ni Christopher, ayaw niyang makadagdag pa sa gulo, lalo na kung mauuwi ito sa pampublikong usapin. "Nandito na ako sa stage ng buhay ko na, 'Bakit ako tatalak, bakit ako magsasalita ng mga bagay na ipaalam ko sa lahat?' Kung meron akong gustong sabihin, sasabihin ko sa'yo nang diretso. Sasabihin ko kay Lot lang nang diretso. Sasabihin ko kay Ian nang diretso. 'Mali ka. Ito 'yan. Ikaw mali. Bahala kayo. Malaki na kayo pareho. Alam niyo na ang dapat niyong gawin kung mag-aaway kayo.'" Bilang magulang, umaasa naman si Christopher de Leon na darating ang panahon na magkakaayos din ang kanyang mga anak. "Siguro one day magkakaayos 'yan. Definitely one day magkakaayos 'yan. Hindi naman puwedeng hindi. Hindi ko rin naman papayagan na hindi puwede magkaayos. But by the grace of God, magkaroon ng reconciliation 'yung dalawa," sabi niya. Sa ngayon, naghihintay muna si Christopher ng tamang panahon para mas makausap ang dalawa. "Kasi masyadong mainit ngayon eh. Kasi 'pag pumasok ka doon sa heat ng gulo, lalong gugulo eh.Tapos mapi-pickup na ni ganito. Mapi-pickup na ni ganoon. Tapos lalaki na. Tapos lalabas na sa diyaro at sa postings. Iba na 'yung sasabihin nito. Iba na. Mami-misinterpret na kayong lahat," paliwanag niya. READ: Ian de Leon, sinagot ang mga paratang ni Lotlot de Leon: 'Stop telling lies, especially to my Dad' Inamin din ni Christopher na nagulat siya sa "biglang pag-iba ng ihip ng hangin" sa magkakapatid matapos pumanaw ang kanilang ina. "Marami sigurong nag-aaway tungkol sa [mga naiwan]. Kung ano man 'yun, bakit n'yo pinag-aawayan 'yung ganon? "They have their own reasons. They have their reasons why they're acting like that. So hindi mo mapapakialaman 'yon." Sa kabila ng lahat, sinabi ni Christopher na patuloy pa rin niyang pinananatili ang magandang relasyon sa kanyang mga anak. "I'm always in touch with regards to 'yung personal postings about, you know, my love for them. Walang sablay 'yun. I mean, papadalan ko siya ng ganito, papadalan ko siya ng ganito. Basta tuloy 'yung relationship namin," aniya. Naging mag-asawa sina Christopher de Leon at Nora Aunor noong 1975 at nagkaroon sila ng anak na si Ian. Lumaki ang kanilang pamilya nang ampunin nila sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth. Gayunpaman, nilinaw ni Christopher na pantay-pantay ang pagmamahal niya sa lahat ng kanyang mga anak bilang isang ama. Naghiwalay sina Christopher at Nora noong 1996, bago niya ikinasal si Sandy Andolong noong 2001. Pumanaw naman si Nora Aunor noong 2025 dahil sa acute respiratory failure. Balikan ang buong kuwento ng hidwaan ng magkakapatid na de Leon at ang kanilang inheritance issue dito: